Menu

Reply To: James Reid and Nadine Lustre failed to show up in Bohol

HOME HOME PEOPLE James Reid and Nadine Lustre failed to show up in Bohol Reply To: James Reid and Nadine Lustre failed to show up in Bohol

#253
omg755
omg755
Moderator

Pormal nang humingi ng dispensa si Ramon Acuña dahil sa kanyang “panlilinlang” na darating sina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) sa isang concert sa Bohol noong October 23.

Kaugnay ito ng reklamo ng JaDine fans na nagbayad ng tickets para sa tinaguriang “Big Event” ng Vantage International, ang diumano’y concert promoter na sangkot sa isyu.

Nilinaw ni Acuña na walang kinalaman ang Viva Artists Agency (VAA) sa hindi pagsipot nina James at Nadine sa naturang concert.

Inamin din niyang wala siyang kontrata o anumang kasunduan sa VAA na kinuha niyang celebrity guests ang dalawang Viva artists.

Si Acuña ay “independent distributor” ng Vantage International, na isang direct selling at multi-level marketing company.

Paliwanag ni Acuña, na event organizer ng sinasabing hoax JaDine concert, “It was my initiative na i-launch yung products ng Vantage sa Bohol. Nag-create ako ng event.

“Tapos nag-invite ako ng banda, gumawa kami ng fashion show, tapos may raffle din, tapos may artista.

“Yung artista namin supposedly sina James at Nadine.

“Pero nalaman ko last week, nung nagkausap kami sa Viva, na yun palang kinausap kong tao o middleman is hindi from Viva.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Acuña sa tanggapan ng VAA sa Tektite Towers, sa Pasig City, ngayong Biyernes, November 6.

Kasama ring humarap sa PEP ang legal counsel ng VAA na si Atty. Candice Tan at ang may-ari ng Vantage International na si Gunn Roque.

Ayon pa kay Acuña, nauna na siyang nakapagbenta ng tickets kung saan nakasaad na celebrity guests sina James at Nadine para sa isang promotional event na dapat sana’y naka-schedule noon pang August 22.

Paliwanag niya, “Nakalagay dun yung picture nila at saka yung name.

“Nung pinostpone namin yung event, sa bagong ticket, wala na.

“Ni-recall naming lahat ng ticket pero hindi 100 percent mababawi lahat. So, pinalitan namin.